Wednesday, November 18, 2009

human behavior in organization

Ang dapat na maging katangian ng isang tao ay mayroong emosyon,nagiisip,at isang moral na bumubuo sa kanyang karakter bilang isang tao para makabuo ng isang maayos na organisasyon at mapatakbo ito ng maayos.Dahil kung ang namumuno ng isang organisasyon ay kulang ang katangian hindi nya ito mapapatakbo ng maayos.Pangalawa ay ang behavior, ito'y isang aksyon,reaksyon at pagtugon sa kanyang kapaligiran na kung saan ay nakikiangkop at nakikisama s'ya sa kanyang kapwa.Merong iba't-ibang elementoa ng behavior, at ito ay overt,covert,conscious,unconscious,rational,irrational,voluntary,involuntary.Ang overt ay ugali o kilos na ating nakikita,at ang covert ay ang mga kilos na hindi natin kayang makita.Ang rational ay mga kilos na may katuturan o may kahulugan kung bakit mo ito ginagawa at ang irrational ay ang kilos na hindi mo alam kung bakit mo ito ginagawa,hindi mo alam kung paano mo nagawa ang bagay na iyon.Ang voluntary ay ang ugali o kilos na kaya mong kontrolin at pagisipan muna ito di gaya ng involuntary ay mapipilitan ka na gawin ito at hindi kayang kontrolin ang iyong sarili.At ang huli ay ang organisasyon,ngahahanap sila ng mga taong pare-parehas ng interest o goal para sa iisang layunin at para makabuo ng isang magand at maayos na organisasyon.

1 comment: